Naging matagumpay rin ang isinagawang orientation ng KC-PAMANA IP-CDD sa Munisipalidad ng Sibuco, Zamboanga del Norte kasama ang mga katuwang sa implementasyon mula sa OPAPP at NCIP, MLGU, BLGU, at ilang IP leaders.

Hindi na bago ang programang PAMANA sa Sibuco, ngunit sa panibagong implementasyon na ito ay nakasentro naman sa pagpapaunlad ng kapakanan ng ating mga kababayang IPs.

Mananatili pa rin ang prosesong Community-Driven Development (CDD) na sasailalim sa Disaster Response Operation Modality/Procedure sa pagpili ng mga proyektong naangkop sa pangangailangan ng bawat CADT ngayong panahong may pandemya.

Ilang pang kabilang sa batch 3 ng nasabing programa ay ang Gutalac, Tigbao at Zamboanga City.