2Hindi naging balakid para kay Susana Ricafrente, 35, isang Pantawid Beneficiary mula sa Tungawan, Zamboanga Sibugay ang edad at kahirapan upang makapagtapos ng pag-aaral.

Bilang isang ina, batid niya ang hirap na ipagsabay ang pangarap at tungkulin nito sa mga anak at asawa.

 Hindi man napagkaloob ng pagkakataong makapagtapos dati, naipagpatuloy naman niya ito sa tulong ng Alternative Learning System.

 Sa tamang pagpupursigi, nakapagtapos si Susana ng CUM LAUDE sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education sa Western Mindanao State University ESU-Tungawan Campus.

 Sa kasalukuyan, si Susana ay isa nang LICENSED TEACHER, matapos maipasa ang Licensure Examination noong nakaraang taon.

 Mabuhay ka Juana!, Ituloy mo ang Pagbabago!