Sa bawat yugto ng ating buhay, ang KAMAY ni nanay ang laging gumagabay. Hindi sila napapagod -mula sa paghanda sa ating mga baon bago tayo pumasok sa eskwela, sa pagplantsa ng ating uniporme, pagbili ng mga kailangan natin, hanggang sa ating pagtulog, kamay ni nanay ang huling magpapahinga.

Kaya naman naisip ni 𝗝𝗢𝗥𝗝𝗘𝗧𝗧𝗘 𝗚. 𝗦𝗘𝗥𝗥𝗔𝗡𝗢 na sorpresahin ang kanyang ina sa kanyang pagtatapos sa Senior High School. Noong April 15, 2025, nagtapos si Jorjette na 𝐖𝐢𝐭𝐡 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐬 sa Baliwasan Senior High School – Stand Alone sa Zamboanga City.

Aniya, regalo niya sa kanyang mama ang mga medalya na kanyang nakuha mula sa pag-aaral ng mabuti. Dito man lang, makakabawi umano siya sa pagtataguyod ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid.

Masayang-masaya naman ang inang si 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗖𝗘𝗟 𝗦. 𝗚𝗨𝗘𝗩𝗔𝗥𝗥𝗔 sa natanggap na parangal ng kanyang anak. Importante umano sa kanya na makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak para sa magandang bukas.

Katuwang ang kanyang mister na si JORGE SERRANO, isang mekaniko, pinagsusumikapan nilang maibigay ang mga pangangailangan ng 3 anak.

Naging miyembro ng programang 4Ps ang pamilya ni Maricel noong 2013. Tinutulungan ng programa na i-empower ang mga nanay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman sa kanila pagdating sa parenting, financial management, karapatan ng mga kababaihan at bata, at pagbibigay ng kakayahan para itaguyod ang pamilya.

Sa ngayon, karamihan sa mga grantees ng 4Ps ay mga nanay.

𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐝𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐈𝐍𝐀! 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐌𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫’𝐬 𝐃𝐚𝐲!

𝗧𝗶𝗻𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮𝗻𝗴 𝟰𝗣𝘀:
𝗕𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗠𝗜𝗞𝗔𝗣 𝗞𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟?

Sagot sa amin ni 𝗝𝗢𝗥𝗝𝗘𝗧𝗧𝗘 𝗚. 𝗦𝗘𝗥𝗥𝗔𝗡𝗢 ay makakatulong umano sa kanyang pagkolehiyo kung makakapagtapos siya ng may mataas na marka.

Nakapagtapos ng 𝙒𝙄𝙏𝙃 𝙃𝙊𝙉𝙊𝙍𝙎 si Jorjette noong April 15, 2025 sa Baliwasan Senior High School – Standalone at balak niyang kumuha ng kursong Criminology sa kolehiyo.

Ayon sa kanyang ina na si Maricel S. Guevarra, simula elementarya ng kanyang 3 mga anak, lagi silang pasok sa honor roll. Talagang tinututukan niya umano ang pag-aaral ng mga bata upang hindi masayang ang tulong na nakukuha nila mula sa 𝐏𝐚𝐧𝐭𝐚𝐰𝐢𝐝 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝟒𝐏𝐬) na siyang katuwang nila sa pagpapa-aral sa mga bata.

Full time housewife si Maricel habang ang kanyang asawang si Jorge Serrano ay isang mekaniko. Kasya lamang daw ang kinikita nito para sa pang-araw-araw na pangangailangan nilang pamilya at kung minsan ay kumukulang pa. Mabuti na lamang at bawas na sa kanilang alalahanin ang baon ng mga bata, school project, at iba pang gastusin sa eskwela dahil sa grants na kanilang natatanggap mula sa 4Ps.