Sa malayong-malayong sitio ng Logdeck sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay, nakita naming naglalakad si JUMAR OCNIP. Siya ay 11 taong gulang pa lamang at nasa Grade 6. Kilo-kilometrong layo ang kanyang nilalakad ng higit 4 na oras pababa mula sa 2 bundok. Nabasa na rin siya ng ulan sa kanyang paglalakad. Ngunit hindi ito natinag dahil pursigido siyang makapagtapos ng pag-aaral.
Sa aming pakikipag-usap kay Jumar, napag-alaman naming miyembro sila ng programang 4Ps ng DSWD. Rubber-tapper ang trabaho ng kanyang mga magulang at mayroon siyang 3 kapatid. Ayos lang umano sa kanya na maglakad ng ilang oras kung ang kapalit nito ay pagtupad ng kanyang pangarap na maging isang PULIS.
Ang programang 4Ps ay mino-monitor ang kanyang tuloy-tuloy na pag-aaral. Tinutugunan nito ang mga pangangailangan sa eskwela ng isang batang kagaya ni Jumar. Sa pagbubukas ng klase, binigyan namin ng bag at iba pang school supplies si Jumar upang makapag-aral siya ng walang ibang inaalala. Ang kanilang grant naman mula sa 4Ps ay ginagamit sa kanyang gastusin linggo-linggo sa pananatili niya sa poblacion.
Mabuhay ka, Jumar, at aabangan namin ang iyong pag-unlad sa buhay.
You must be logged in to post a comment.