ZAMBOANGA CITY – The Social Marketing Unit (SMU) of the Field Office 9 has emerged victorious during the Malasakit Video Awards 2.0 having been recognized as back-to-back ‘Malasakit Storymaker of the Year’ during the culminating activity of the 71st DSWD Founding Anniversary held at DSWD Central Office, Batasan Hills, Quezon City, last Monday, February 28.
Aside from snatching the top prize, the video entries from the field office also triumphed in their respective categories. Bukang Liwayway (Day Break) was awarded as the Best Bangasamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUn) video. Tanghaling Tapat (Midday) received the Best Unconditional Cash Transfer (UCT) Program video, while Takip Silim (Twilight) was conferred with the Best Center and Residential-Based Services (CRCF) award. In addition, Takip Silim was also given the Value of Information Award.
The ‘ALAB NG PUSO: Isang Araw. Dalawang Minuto. Tatlong Kwento,’ an original concept and documentary produced by the SMU unfolded stories of hope and inspiration among the featured workers and clients of the agency. It was produced out of hard work, patience, and sleepless nights.
ALAB NG PUSO: Isang Araw. Dalawang Minuto. Tatlong Kwento
Sipi mula sa makasaysayang lirika ng Lupang Hinirang, ang konsepto ng “ALAB NG PUSO” ay koleksyon ng mga tunay na kwentong DSWD sa Nueve na pumupukaw sa mainit, bukal at bukod tanging pagmamahal sa serbisyo, pamilya at sarili. Mga storyang may hatid na pagkalinga, pag-aruga at pag-asa na tinahi mula sa paglalahad ng mga benepisyaryo at lingkod bayani ng kawani.
Ang salitang “Alab” ay simbolo ng pulang liwanag at walang pagdilim na nanggagaling mula sa puso ng bawat isa saan man magtungo kahit payak at walang kulay ang mundo. Ang bawat pagtibok ay simbolo rin ng damdaming buhay na dumadaloy sa bawat pakikipagsapalaran, anu mang hamon at oras ng panahon.
Tunghayan ang tatlong maikling dokumentaryong hinabi mula sa malaya at malikhaing kaisipan ng Araw na siyang nagtatakda ng takbo ng buhay mula Pag-Ahon hanggang sa Pag-Lubog.
BUKANG-LIWAYWAY (Day Break) Program: Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUn)
Para kanino ka bumabangon?
Mga katagang nag-uudyok sa pag-simula ng panibagong araw para sa Kawani ng DSWD na sinusuong ang malilikot na alon gamit ang bangka upang marating ang munting Sitio ng Banaran, Sapa-Sapa sa Probinsya ng Tawi-Tawi. Sinubok man ng pandemya ngunit hindi ito pinanghinaan ng loob bagkus ay mas nagbigay pa ng ito lalo ng inspirasyon upang ihatid ang serbisyo para sa mga benepisyaryong Sama-Bajaus. Tuklasin ang mainit na pagtanggap ng komunidad sa Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon at silipin ang magandang naidulot ng programa sa upang mabawasan ang kagutuman at malnutrisyon sa isla.
TANGHALING-TAPAT (Midday) Program: Unconditional Cash Transfer (UCT) Program
“Pagsikat ng Araw, may dalang Liwanag, Sa ating Pangarap.”
Bata pa man ay kinakitaan na ng malaking pangarap si Nizzle. Bilang nag-iisang anak ng isang mangingisda, malaking responsibilidad ang nakaabang sa kanya upang makaahon ang pamilya sa hirap ng buhay. Malaki ang karagdagang tulong ng UCT upang maipagpatuloy nito ang pag- araw araw na pakikipagsapalaran sa pag-aaral na siyang kanyang kinakapitang pag-asa.
Panahon ng pandemya at sinubok ang determinasyon ng binata upang makapag-aral. Ang kawalan ng signal sa lugar ang nag-udyok sa kanya na maghanap ng paraan upang magpursigi sa kanyang online classes, hind isa konkretong silid kundi gitna ng laot ng mapanganib na karagatan.
TAKIP-SILIM (Twilight) Program: Centers and Residential Care Facilities (CRCF)
“Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan.”
Tila naging mapaglaro ang tadhana ngunit hindi nawalan ng pag-asa ang kwento ng Pamilyang Torion. Anim na taon mang nawalay sa Inang may sakit sa Isip, ngunit hindi nawalan ng pag-asa na muli itong masilayan.
Natagpuang palaboy-laboy si Lola Eusebia na nawalan ng katinuan, walang pagkakakilanlan at hindi alam kung ano ang nakaraan. Naging kanlungan nito ang Home for the Elderly na nagbigay sa kanya ng mga programa at serbisyo upang mabago ang sarili at maipagamot ang sakit. Ang maayos na pag-aaruga mula sa pasilidad ang nagbigay daan upang manumbalik ang alaala at mahanap ang nawawalang anak mula sa pagkakawalay.
Tunghayan ang bagong buhay ni Lola, kapiling ang kanyang mga anak para sa isang Reunification success story.
Last August 2021, the SMU’s ‘Project UNMASK: Sixty Second Stories of Change’ was awarded as the ‘Malasakit Storymaker of the Year’ during the Malasakit Video Fest. In addition, it was also given a technical award for Best Production and Technical Quality while all of its video entries were conferred with special citations (Best KALAHI Video, Best Disaster Response Video, Best Adoption Video, and Best CRCF Video).
The Malasakit Video Awards aimed to promote the stories and testimonies of the workers, clients, and beneficiaries of DSWD, especially during the current health emergency crisis, as the department gears towards the performance of its steering functions with the devolution of some of its social welfare services.
The entries were accordingly judged based on Creativity and Originality, Value of Information, Production and Technical Quality, Entertainment Value/Engagement, and People’s Choice.
For the Malasakit Storymaker of the Year, SMU Nueve was given a final rating of 95% while Field Offices X and XI scored 92.2% and 91.83% respectively. A total of 43 entries were submitted by participating Field Offices while 23 awards were given to those that stood out. ###
You must be logged in to post a comment.