Pasok ang apat na barangay sa lungsod ng Zamboanga sa 3rd batch ng implementasyon ng KC-PAMANA IP-CDD sa rehiyon. Ang mga ito ay ang barangay Labuan, Limpapa, Patalon (ZC) at Sitio Lipuno sa Munisipalidad ng Sibuco (ZN) na kabilang sa isang CADT.
Kaninang umaga ginanap ang orientation para sa nasabing programa na sinaksihan ng kinatawan mula sa funding agency na OPAPP at ang NCIP, naroon rin ang LGU/CSWDO, mga BLGUs, at ilang IP Leaders kasama ang DSWD OIC-Regional Director Fatima S. Caminan, Kalahi RPMO at Area Coordinating Team.
Ito ang unang pagkakataon na mapabilang ang Zamboanga City sa KC-PAMANA IP-CDD mula ng naipatupad ito sa rehiyon noong 2017.
Layon ng programang ito na mabigyan ng interbensyon ang paghahatid ng serbisyo at programa sa mga komunidad na kinasasakupan ng mga katutubo nating kababayan gamit ang istratehiyang Community-Driven Development (CDD).
Tulad na ibang proyektong sakop ng Kalahi-CIDSS, ang implementasyon ay sasailalim rin sa Disaster Response Operation Modality/Procedure (DROM/P).
You must be logged in to post a comment.