Isinagawa kahapon ng DSWD ang orientation para sa programang Kalahi-CIDSS sa Barangay Taluksangay, lungsod ng Zamboanga sa pamumuno ni Promotive Services Division Chief Ma. Socorro Macaso.
Ang Taluksangay ay isa sa mga napiling barangay sa lungsod na pangungunahan ang pagpapatupad ng proyekto sa ilalim ng Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KKB) na sakop ng nasabing programa.
Layon nito ay makapag-ambag sa pangkalahatang layunin ng programa na mabigyang kapangyarihan ang mahihirap na mga komunidad upang maipahayag ang kanilang desisyon sa pagkamit sa mga serbisyo at dagdagan ang kanilang pakikilahok sa lokal na pagpaplano, pagbabadyet, at pagpapatakbo ng proyektong tutugon sa kanilang pangangailangan.
At sa parehong pagkakataon ay nakasentro rin ang programa upang tulungan ang mga komunidad sa pagtugon laban sa paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng Disaster Response Operation Modality/Procedure (DROM/P) na siyang magsisilbing gabay sa kanila sa pagtukoy ng sub-projects.
You must be logged in to post a comment.