Nakatakda ngayong buwan ng Hunyo ang iskedyul ng payout para sa mga benepisyaryo ng Social Pension Program sa Region IX.
Kung matatandaan, ang bawat benepisyaryo ng Social Pension ay makakatanggap ng Php500 monthly stipend o may kabuuan na Php3,000 (bawat semester) na ibinibigay sa una at ikalawang semester ng taon. Ito ay tugon ng DSWD sa bawat indigent senior citizens bilang dagdag tulong sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan tulad ng pagkain at gamot
Nakasaad sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 o RA 9994 na ang matatanggap na tulong ay naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga matatanda upang mabawasan ang kagutuman at maprotektahan ang mga ito laban sa pagpapabaya, abuso at mga sakuna.
Mayroong 195,934na mga benepisyaryo sa buong rehiyon ang makakatanggap ng kanilang stipend ngayong buwan mula sa DSWD. Naumpisahan na rin ng DSWD ang pagtransfer ng Pondo sa bawat LGUs upang masimulan na ang pamamahagi sa ating mga indigent senior citizens.
Pinapaalalahanan ni DSWD OIC-Regional Director, Fatima S. Caminan ang mga lokal na pamahalaan na gabayan ang mga benepisyaryo sa panahon ng payout at sumunod parin sa mga safety measures tulad ng paghugas ng kamay, Social Distancing, Pag-suot ng Facemask habang nasa distribution points o alinman sa mga distribution schemes na angkop sa kanilang lugar.
“Sa panahon na ito, ating pinapaalalahan ang aming partner LGUs na sundin ang mga nararapat na safety measures upang masigurado na ligtas at maayos ang pamamahagi ng stipend para sa ating mga benepisyaryo.”
Dagdag pa Director Caminan, kung maari ay ihatid na lamang ang pera sa bawat kabahayan lalo na sa mga senior citizens na bedridden, may kapansanan at wala nang kakayahan pang tumungo pa sa mga payout areas.
“Atin ring pinapayuhan ang mga benepisyaryong may kapansanan o wala nang kakayahan pang tumungo sa mga payout areas na kung maari ay ipagbigay alam ito sa inyong Local Government Units upang magawan ng agarang pag-aayos ng pamamahagi sa kanilang stipend.”
Sa cleanlist na ibinaba ng DSWD Central Office mayroong bilang ng benepisyaryo ang mga sumusunod na lungsod at probinsya: Zamboanga Del Norte (68,140) ; Zamboanga del Sur (64,808); Zamboanga Sibugay Province (36,949); Zamboanga City (21,837) at Isabela City (4,200).
Kasabay ng unang semester, ipagpapatuloy rin ang payout sa mga unpaid beneficiaries ng 2019 na mayroong 9,810 na benepisyaryo.
Para sa tamang iskedyul ng payout, inaabisuhan ang mga benepisyaryo na makipag-ugnayan sa kanilang Lokal na Pamahalaan upang sila ay magabayan at mabigyan ng karagdang impormasyon ukol rito.
Hangad ng DSWD na maging ligtas at maayos ang isasagawang payout ngayong buwan kaya’t ang pakikipagtulungan ay higit na mahalaga. ###
You must be logged in to post a comment.