Bilang tugon sa Proclamation No. 929 na nakasaad ang deklarasyon ng State of Calamity sa buong bansa dahil sa paglaganap ng COVID-19, kamakailan ay inilunsad ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan- Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) ang Disaster Response Operation Procedure (DROP) sa Bayan ng Titay, Zamboanga Sibugay.
Ang DROP ay isang pansamantalang pamamaraan na gagamitin ng programa upang maipatupad ang Community-Driven Development (CDD) COVID-19 disaster response.
Hangarin nito na makapagbigay ng pangunahing serbisyo at karagdagang tulong sa lokal na pamahalaan at mga barangay upang tugunan ang pangangailangan ng komunidad na sakop ng implementasyon ng programa ngayong panahon ng pandemia.
Katulong pa rin ang mga Community Volunteers, sisiguraduhin sa ilalim ng DROP na ang mga proyektong mabibigyang prayoridad ng komunidad ay alinsunod rin sa pamantayang ipinatutupad ng Department of Health at gayun din ng programa.
Pinasalamatan ni Mayor Leonardo B. Talania ang ahensya sa pagpili sa kanilang bayan upang makapaghatid na mga proyektong makatutugon sa COVID19. Kasama rin sa mga sumaksi sa Municipal Launching ay ang Sangguniang Bayan at Municipal Inter-Agency Committee (MIAC) members at ang Local Disaster Risk Reduction Management Officer.
Ang Titay ay dati na kabilang sa implementasyon ng Kalahi-CIDSS NCDDP Cycle 3 at 4 na may kabuuang 26 bilang ng sub-projects na naipatayo para sa komunidad. ###
You must be logged in to post a comment.