12801115_1701834090028351_3156842662870057209_n

Nagsilbing inspirasyon at magandang ehemplo ang labing-anim (16) na Pantawid Parent Leaders mula sa Brgy.Maasin, Zamboanga City na naglalaan ng 40 minuto araw-araw bilang volunteer parent-tutors.

Ang adhikaing makatulong at makahubog ng kasanayan sa pamamagitan ng pag gabay sa pagbabasa ang siyang nagtulak sa kanila upang igugol ang oras sa mga kabataang slow readers ng Maasin Learning Center.

Ang magsilbing daan upang magkaroon ng pagbabago sa mga kabataan ay isang napakagandang regalo sa kanilang dedikasyon.

Juana, Tuloy ang Pagbabago!