3Batid ni Norelyn Genturalez isang benepisyayro ng Pantawid Pamilya mula Zamboanga City ang malaking responsibilidad at sakripisyo na kakailanganin niyang gawin upang maitaguyod ang lima nitong anak.

Bilang isang solo parent, wala na mas hihigit pa sa pagmamahal na ibinubuhos nito upang magabayan sila ng maayos para makapagtapos ito ng pag-aaral- isang pangarap na nais nyang matupad.

Si Norelyn ay isang lady guard sa resort, parent tutor at parent leader. Ang dating may bahay at walang boses sa komunidad, ngayo’y may kakayahan nang makapagbigay ng kapangyarihan sa kanyang sarili at magkaroon ng pagbabago sa tulong ng pakikisalamuha sa iba, oporturnidad na naibibigay ng programa at buwanang Family Development Sessions (FDS).

Juana, Hindi ka nag-iisa, Ituloy mo ang Pagbabago!

‪#‎NationalWomensMonth2016‬ ‪#‎PantawidWomen‬